
Kasalukuyang isinasagawa ang pagpapatayo ng bagong multi-purpose gymnasium ng San Joaquin Integrated School sa Balungao, Pangasinan.
Naihanda na ang pundasyon at nakaposisyon na ang mga poste na pagkakabitan ng bubong ng naturang gymnasium.
Ayon sa pamunuan ng paaralan, ang gusali ay magsisilbing lugar para sa mga aktibidad ng mga estudyante, guro, at mga magulang.
Matatandaang isinagawa ang groundbreaking ceremony para sa bagong gusali noong Agosto, kasama ang mga paaralan sa Barangay San Raymundo at San Joaquin na inaasahang matatapos bago matapos ang taon.
Facebook Comments






