Bagong halal na alkalde ng Baler, Aurora – pormal nang naiproklama

Matapos ang mahabang pila at pagkakaaberya ng ilang mga vote counting machine (VCM), pormal nang ipinroklama ng Baler, Aurora Comelec ang mga nagwaging kandidato tumakbo sa mga posisyon sa lokal nitong pamahalaan.

Hindi na natapos ni dating Mayor Nelianto ‘Pilot’ Bihasa ang kanyang ikatatlong termino matapos itong gapiin ng bagohan sa posisyon na si Mayor Elect Reth Angara.

Sinundan naman ito ng kanyang katiket na si re-electionist vice Mayor Pedro ‘Bobong’ Ong.


Dahil dito, kapwa nagpapasalamat ang dalawa sa mga sumuporta sa kanilang kandidatura at kanilang siniguro na ipagpapatuloy ang mga kasalukuyang programamg pangkaunlaran habang ihinahanda ang bayan ng Baler sa mas maunlad nitong kinabukasan.

Ang Baler sa lalawigan ng Aurora ay isa sa mga pangunahing tourist destination sa bansa na kilala na rin bilang “Surfing Capital of the North-East.”

Facebook Comments