Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang bagong hanging bridge para sa accessibility ng mga residente at motorista sa Brgy. Ambangonan, Pugo.
Mula sa dating tulay na gawa sa pinaghalong kahoy at bakal na pinangangambahan ng ilang motorista dahil hindi stable tuwing may dumadaan, ngayon ay gawa na ito sa pinalawak na konkreto at bakal.
Layon nitong mas mapadali ang transportasyon ng mga produkto, mapabilis ang byahe at mapanatili ang kaligtasan ng mga residente.
Ikinatuwa naman ng mga residente ang bagong hanging bridge na magagamit na nang walang pangamba at makakapagbigay serbisyo sa mahabang panahon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments