
Handa na ang Bagong Henerasyon Party-list na muling magtrabaho bilang bahagi ng Mababang Kapulungan.
Mensahe ito ni Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera sa harap ng nalalapit na proklamasyon bilang isa sa mga nanalong party-list sa katatapos na midterm elections.
Ito ay matapos ibasura ng Commission on Elections (COMELEC) ang kinakaharap nitong kaso o petisyon.
Diin ni Herrera, ang hakbang ng COMELEC ay patunay ng katatagan ng ating democratic institutions na kayang manindigan alinsunod sa batas sa harap ng kaliwa’t kanang mga pagkwestyon.
Ayon kay Herrera, ang tagumpay ng Bagong Henerasyon Party-list sa katatapos na halalan ay tagumpay din ng mamamayan na kanilang pinaglilingkuran, lalo na ng mahigit 319,000 na bumoto dito.
Facebook Comments