Bagong kalihim ng Department of Environment and Natural Resources, ipinakilala na

808

Manila, Philippines – Itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Environment Secretary si dating Ambassador Roy Cimatu kapalit ni dating Environment Secretary Gina Lopez.

Ito ang kinumpirma ni Agriculture Secretary Manny Piñol at Executive Secretary Salvador Mediadea.

Matatandaan na si Cimatu ay dati ng tumayong chief of staff ng Armed Forces of the Philippines.

Una namang sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na si Cimatu ay itinalaga ng Pangulo bilang special envoy for OFW.

DZXL558

Facebook Comments