
Nakatakda nang manumpa sa kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang bagong kalihim ng Department of Transportation (DOTr) na si Vince Dizon.
Gaganapin ang panunumpa nito sa Palasyo ng Malacañang.
Matatandaang isang linggo na ang nakalipas matapos ianunsyo ng Palasyo na si Dizon na ang uupong bagong DOTr secretary.
Kasunod ito ng resignation ni outgoing DOTr Secretary Jaime Bautista dahil sa health reason.
Si Dizon ang dating president and CEO ng Bases Conversion and Development Authority at naging COVID testing czar noong panahon ng pandemya.
Samantala, pagkatapos ng panunumpa ni Dizon ay inaasahang haharap din agad ito sa media.
Facebook Comments