BAGONG KALSADA SA MANAOAG, BINUKSAN NA

Mas mainam na daanan para sa transportasyon ng mga residente sa Barangay Pantal, Manaoag ang binuksan matapos ang konstruksyon nito.

Isa ito sa mga proyektong imprastraktura ng gobyerno upang mapagaan ang kalidad ng pamumuhay ng mga residente.

Magsisilbing mainam na daanan ito hindi lamang sa transportasyon kung hindi pati na rin sa palitan ng kalakalan sa ibang lugar upang mapaganda rin ang lokal na ekonomiya.

Isinagawa ang inagurasyon ng bagong kalsada noong nakaraang Biyernes. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments