Bagong kaso ng COVID-19, nadagdagan sa Cainta, Rizal

33

Umakyat na sa 3,654 ang mga bagong kaso ng COVID-19 sa Cainta, Rizal, makaraang madagdagan ng 34.

Pinakamaraming kaso ay ang Barangay San Isidro na umaabot sa 20, sinundan ng Barangay San Andres at Barangay San Juan na may tig-lilimang kaso.


May 332 naman ang active cases, 109 ang mga nasawi, 27 ang admitted habang may 305 ang sumasailalim sa quarantine.

Base sa Facebook post ni Cainta, Rizal Mayor Kit Nieto, sa ngayon pumalo na sa 3,213 ang mga gumagaling sa naturang sakit sa kaniyang lugar

Facebook Comments