Bagong kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo, mas mataas ng 24 percent

44
Photo Courtesy: DOH

Mula July 25 hanggang July 31, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 24,100 na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nangangahulugan ito na ang average na bilang ng bagong kaso kada araw sa nakalipas na linggo ay nasa 3,443.

Ito ay mas mataas ng 24 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong July 18 – July 24.


Sa mga bagong kaso, 76 sa mga ito ang may malubha at kritikal.

44 namana ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Kahapon, July 31,2022, 744 na COVID patients na malubha at kritikal ang naka-admit sa mga ospital.



Facebook Comments