Bagong kasunduan sa water concessionaires, pinaplantsa na lamang ng pamahalaan

Isinasapinal na lamang ng pamahalaan ang mga kasunduan nito sa dalawang water concessionaires sa Metro Manila.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, halos kumpleto na ang mga detalye ng water supply agreements.

Kapag naisapinal ang mga water deal, ang negosasyon sa Maynilad at Manila Water ay tiyak na sisimulan.


Matatandaang pinapa-amiyenda ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kontrata sa dalawang water concessionaires para tanggalin ang mga maanomalyang probinsyon sa lumang kasunduan.

Facebook Comments