
Suportado ni bagong Transportation Secretary Vince Dizon ang pagpapatupad ng PUV Modernization Program sa kabila ng mga pagtutol ng ilang transport group.
Ayon kay Dizon na, walang ibang paraan kundi yakapin ang modernisasyon para umusad at magkaroon ng improvement ang pampublikong transportasyon.
Pero sabi ni Dizon, pag-aaralan muna niyang mabuti ang naturang programa.
Naniniwala kasi ang kalihim na may lehitimong concern ang mga tutol sa programa at kailangan pakinggan ito ng pamahalaan para maresolba ang kanilang mga problema.
Matatandaang nanindigan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat nang ipatupad ang PUV modernization matapos maantala ng pitong beses dahil sa pagkontra ng ilang grupo.
Facebook Comments