Bagong manager ng MRT Line 3, itinalaga; President Duterte, nagbabala sa Presidential Appointees

62

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Rodolfo Garcia bilang bagong manager ng Metro Rail Transit Line 3.

 

Papalitan ni Garcia si Roman Buenafe.

 

Nabatid na noon pang February 24 pinirmahan ni Pangulong Duterte ang appointment paper ni Garcia.

 

Itinalaga rin ni Pangulong Duterte si Cesar Chavez bilang undersecretary ng Department of Transportation.

 

Samantala, nanindigan ang Pangulo sa kanyang babala sa kanyang appointees na hindi siya mangingiming sipain ang mga ito oras na may nadiskubre siyang katiwalian. 

 

Una nang inihayag ng Malakanyang na ini-imbestigahan nito ang napaulat na katiwalian sa National Irrigation Administration.

Facebook Comments