Bagong matrix, walang kwenta – Joma Sison

‘Walang kwenta’

Ito ang paglalarawan ni Communist Party of the Philippines (CPP) founder Jose Maria Sison sa isinapublikong matrix ng Malacañang.

Matatandaang idinadawit sa matrix ang Liberal Party, Grupong Magdalo, media organizations bilang bahagi ng ‘conspiracy’ para siraan si Pangulong Rodrigo Duterte at palakasin ang kandidatura ng mga pambato ng Otso Diretso sa Senado.


Base sa naka-post na statement sa website ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), sinabi ni Sison na ang mabisang paraan para mabawasan ang mga inilalabas na matrix na wala namang katotohanan ay ang paggamit ng banyo sa presidential palace.

Dagdag pa ni Sison – walang halaga ang matrix, na maging ang kapiraso ng toilet paper ay hindi ipapambayad dito.

Tanong pa ng CPP leader kung resulta ba ito ng nervous breakdown ng Pangulo at mahabang pahinga mula sa dialysis treatment.

Iginiit din ni Sison na maraming Pilipino ang nasusuklam sa mga polisiya at acts of treason, tyranny, mass murder, plunder at swindling ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments