Bagong Ombudsman, hinamon na ipa-sapubliko na ang mga SALN

Nanawagan si Akbayan Party-list Representative Perci Cendaña sa bagong talagang Ombudsman na si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na agad ipasapubliko ang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng mga opisyal ng gobyerno.

Bukod dito ay iginiit din ni Cendaña sa Ombudsman na agad simulan ang proseso para sa pagsasampa ng kasong kriminal laban sa mga sangkot sa malawakang korapsyon sa flood control projects.

Naniniwala naman si Cendaña na hindi mahihirapan si Remula na pantayan ang trabaho ng dating Ombudsman.

Para kay Cendaña, napakababa ng pamantayan ng dating Ombudsman na naging hadlang sa pagtatayod ng transparency at pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno.

Facebook Comments