Bagong petsa ng FIBA Olympic Qualifying Tournament, pinaboran ng mga manlalaro ng Pilipinas

38

Pabor sa Philippine National 3×3 team ang pag-usog ng petsa ng FIBA Olympic Qualifying Tournament (OQT) dahil sa COVID-19.

Ayon kay dating Philippine Basketball Association (PBA) coach Ryan Gregorio na Special Assistant din ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), mabuti ito para magkaroon ng mahabang oras ang mga manlalaro ng Pilipinas para makapag-ensayo.


Kung magsisimula kasi kaagad ang palaro, maraming players ang posibleng hindi makalahok dahil sa iba’t ibang schedule.

Nakatakda sana ang OQT noong March 18 hanggang 22, 2020 sa Bengaluru, India, pero iniusog sa May 26 hanggang 30, 2021 dahil sa COVID-19.

Facebook Comments