Bagong Philippine Navy Chief, pormal nang nanungkulan

51

Nanungkulan na kahapon bilang ika-39 Flag Officer in Command ng Philippine Navy si Rear Admiral Adeluis Bordado.

Pinalitan ni Bordado si dating Navy Chief Vice Admiral Giovanni Carlo Bacordo na nagretiro sa serbisyo kahapon.


Pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Change of Command ceremony sa Philippine Navy Headquarters.

Sa kanyang mensahe, nagpasalamat si Lorenzana kay VAdm. Bacordo sa kanyang mahusay na pamumuno sa Philippine Navy sa harap ng mga hamon na dulot ng pandemya at ang umiinit na isyu sa West Philippine Sea.

Binati naman ni Lorenzana si RAdm. Bordado sa kanyang promosyon at hinikayat ito na patuloy na patatagin ang mga programa at proyerto ng Navy na nasimulan ng mga nauna sa kanya, gamit ang kanyang sariling istilo ng pamamahala.

Si RAdm. Bordado na miyembro ng PMA Maringal Class of 1988 ay dating Vice Commander ng Philippine Navy.



Facebook Comments