BAGONG PIDEG BRIDGE SA TUBAO, LA UNION, PINASINAYAAN

Pinasinayaan ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang bagong Pideg Bridge sa Tubao matapos sumailalim sa rehabilitasyon.

Pinalawak sa two-lanes ang naturang tulay na noon ay one lane lamang at kinakailangan pang magpaubaya ng bawat motorista upang makadaan.

Magsisilbi ding alternate route ang Pideg Bridge patungo sa mga barangay ng Bacani, Marcos, Tanglag,at Parasapas sa bayan ng Rosario na maaaring daanan patungong Marcos Highway.

Mapapabilis at mapapagaan ang byahe ng mga motorista patungo sa dalawang bayan partikular sa mga magsasaka na nag-aangkat ng kanilang produkto sa mga ibang bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments