BAGONG PINUNO? | AFP, hindi kinumpirma ang ulat na si Gen. Madrigal ang susunod na AFP chief

Manila, Philippines – Hintayin na lang ang pormal na anunsyo ng MalacaƱang.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesman General Edgard Arevalo kasabay ng pahayag na hindi niya makumpirma kung si Lt. Gen. Benjamin Madrigal ang susunod na AFP chief.

Ang pahayag ni Arevalo ay reaksyon sa ulat ng Rappler na si Madrigal ang nakalinyang pumalit kay outgoing AFP chief General Carlito Galvez, base sa impormasyon mula kay DILG Secretary Eduardo AƱo.


Si Galvez ay nakatakdang magretiro sa December 12.

Si Madrigal ang kasalukuyang Commander ng Eastern Mindanao Command na naka-base sa Davao.

Magugunitang una nang sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na nakapili na ang Pangulo ng susunod na AFP chief.

Pero hindi ito kinumpirma ni Lorenzana at sinabi lang na sa Philippine Army manggagaling ang susunod na pinuno ng militar.

Facebook Comments