BAGONG PINUNO | Bagong Ombudsman Martires, pormal nang nanumpa

64

Manila, Philippines – Pormal nang nanumpa si outgoing Supreme Court Associate Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman.

Isinagawa ang oath taking ng Martires sa Supreme Court en banc session hall pagkatapos ng flag raising ceremony ng Korte Suprema.

Si Martires ay nanumpa kay acting Chief Justice Antonio Carpio

Si Martires ang napili ni Pangulong Duterte mula sa shortlist na isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kapalit ng nagretirong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Ayon kay Martires, ilan sa mga ipaprayoridad niya ay ang isyu ng delays sa mga pending na kaso at parking fees o bentahan ng resolusyon sa tanggapan ng Ombudsman.

Una na ring inamin ni Martires na mahirap na trabaho ang kanyang kakaharapin pero handa siyang sa mga hamong ito.

Inaasahan na rin ni Martires na maraming magagalit sa kanya at bubusisiin ang lahat ng mga desisyon niya noong siya ay mahistrado pa ng Sandiganbayan at ng Korte Suprema.

Facebook Comments