BAGONG PINUNO | Change of command sa AFP, isasagawa ngayong araw

29

Manila, Philippines – Isasagawa ngayong araw ang change of command sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Papalitan si AFP Chief of Staff Rey Leonardo Guerrero ni outgoing Wesmincom Commander Lieutenant General Carlito Galvez bilang pinuno ng AFP.

Ayon kay Guerrero, tiwala siya kay Galvez dahil kabilang ito sa mga nagdedesisyon sa mga programa at pamamalakad sa AFP.

Mahigpit na bilin naman ni Guerrero kay Galvez na maging masigasig pa para sa security situation sa bansa partikular sa bahagi ng Mindanao at sa mga maritime area.

Kinumpirma rin ni Guerrero na siya ang uupo bilang bagong pinuno ng Maritime Industry Authority (MARINA).

Facebook Comments