BAGONG PINUNO | Isa sa mga Senior Justices ng Court of Appeals, itinalaga ng Pangulo sa SC

46

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Palasyo ng Malacanang na si Court of Appeals Justice Jose Reyes Jr. na ang uupo bilang bagong supreme court Justice matapos ang pagreretiro ni Justice Presbitero Velasco Jr.

Ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go, sa susunod na linggo o sa August 13 na nakatakda ang panunumpa ni Reyes sa kanyang bagong posisyon.

Matatandaan na noong nakaraang taon ay si Reyes ang nagdesisyon sa kontrobersiytal na mile long property issue na pabor sa Pamahalaan.

Nagtapos ng abogasiya si Reyes sa San Beda na alma mater ni Pangulong Duterte, tumayo din itong Rizal Metropolitan Trial Court Judge at Executive Judge ng Rizal Regional Trial Court bago ito maitalaga sa Court of appeals noong 2003.

Facebook Comments