Bagong pinuno ng PA, pormal nang nanungkulan ngayong araw

79
Photo Courtesy: Philippine Army Facebook Page

Umupo na ngayong araw bilang ika-63 Commanding General ng Philippine Army si dating Eastern Mindanao Command Commander Lt. Gen. Jose Faustino Jr.

Pinalitan ni Lt. Gen. Faustino si Lt. Gen. Cirilito Sobejana, na una nang itinalaga ng Pangulo bilang Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).


Ang Change of Command Ceremony ay pinangunahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kaninang tanghali.

Sa kanyang mensahe, pinuri ni Lorenzana si Lt. Gen. Sobejana sa kanyang magaling na pamamahala sa Philippine Army sa harap ng nararanasang pandemic.

Para naman kay Lorenzana, si Lt. Gen. Faustino ay “dedicated” at “deserving” sa bagong pwesto.

Si Lt. Gen. Faustino ay myembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal Class of 1988”.




Facebook Comments