BAGONG PINUNO | Resolusyon na magluluklok kay Senador Tito Sotto bilang senate president, pirmado na

158

Manila, Philippines – Pirmado na ng 14 na senador ang resolusyon na sumusuporta kay Senate Majority Leader Tito Sotto III para maging susunod na senate president.

Aabot pa ito sa 15 kapag nakabalik na sa bansa si Senator Grace Poe.

Kabilang sa mga pumirma ay sina: Sen. Ralph Recto, Sonny Angara, Nancy Binay, Jv Ejercito, Chiz Escudero, Richard Gordon, Sherwin Gatchalian, Gringo Honasan, Loren Legarda, Manny Pacquiao, Joel Villanueva, Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri at Panfilo Lacson.

Sa mga paunang impormasyon, sa Lunes ay magiging pangulo na ng senado si Sotto.

Agad namang nilinaw ni Senate President Koko Pimentel na walang pagbabago sa senate leadership na magaganap sa Lunes kung saan magkakaroon lang aniya ng caucus ang 17 mga senador na kasapi ng mayorya.

Tiniyak naman ni Pimentel ang kahandaang bumaba sa pwesto habang-handa naman si Sotto na tanggapin ang posisyon.

Facebook Comments