BAGONG PINUNO | Stakeholders ng SC, kakausapin ni CJ Bersamin

57

Manila, Philippines – Hiniling ni Chief Justice Lucas Bersamin sa mga opisyal at empleyado ng Korte Suprema na suportahan siya sa kanyang pamumuno sa Supreme Court (SC).

Sa kanyang kauna-unahang pagdalo sa flag raising ceremony sa Supreme Court bilang Chief Justice, nakiusap si CJ Bersamin sa mga tauhan ng Kataas-Taasang Hukuman na samahan siya sa kanyang magiging 11 buwang serbisyo bilang punong mahistrado.

Ayon kay Bersamin, dapat nang kalimutan ang nakaraang problema sa Korte Suprema at magpokus na lamang sa hinaharap.

Plano ni CJ Bersamin na kausapin ang lahat ng stakeholders sa Supreme Court (SC) mula sa samahan ng mga huwes, empleyado at mga opisyal nito.

Hinimok ni Bersamin ang lahat ng may suggestions o opinyon na iparating ito sa kanyang opisina para mapag-usapan.

Facebook Comments