Bagong resulta ng survey ng Social Weather Stations kung saan nakakuha ng very good net satisfaction rating si P-Duterte, ikinatuwa ng Malacañang

Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Malacañang ang resulta ng panibagong survey ng Social Weather Stations kung saan nakakuha ng very good net satisfaction rating si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella – nagsisilbing inspirasyon kay Pangulong Duterte na pagbutihin pa ang kanyang trabaho.

Aniya, pinahahalagahan ng Pangulo ang public trust para maisulong ang interes ng publiko at tiyakin na karapat dapat na maging ligtas ang Pilipinas para sa mga Filipino.


Sinabi pa ni Abella na nanatiling top agenda ng Pangulo na labanan ang iligal na droga, kriminalidad at korupsyon.

Base sa SWS survey na isinagawa noong March 25 hanggang 28, nakakuha ang pangulo ng +63 na rating na kapareho lamang noong December 2016 at +64 noong September 2016.
Nation”

Facebook Comments