Bubuksan na sa publiko ang bagong gawang Public Market sa Bayan ng San Nicolas, Pangasinan sa darating na Enero 25.
Ang pamilihan ay naglalayong magbigay ng mas maayos at komportableng lugar para sa mga vendor at mamimili.
Sinimulan ang proyekto, Enero 2024 sa pakikipagtulungan ng San Nicolas LGU sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Tiniyak din na ang naturang proyekto ay dekalidad at ligtas para sa lahat.
Dahil sa proyekto, kinailangang lumipat pansamantala ang mga vendor sa Municipal Auditorium.Habang, namahagi naman ng libreng cash tickets ang alkalde, mula Oktubre 10 hanggang sa kasalukuyan na tulong umano para sa mga market vendors.
Kahapon, isinagawa ang huling inspeksyon sa proyekto bago ang pagbubukas. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments