Bagong Sistema sa Pagbabayad ng SSS, OnLine Scheme Na!

52

Cauayan City, Isabela – Madali at mabilis na sistema na ngayon ang bagong paraan ng Social Security System o SSS sa pagbabayad ng kontribusyon ng mga individual at employer payments. Ito ang ipinahayag nina Accountant Officers Glenda Lea E. Sinbi at Rio Atienza ng SSS Cauayan Branch sa programang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan. Cauayan City, Isabela

Ayon kay Ms. Lea Sinbi, ipinapatupad na ng SSS ngayon ang Payment Reference Number o PRN Online Scheme upang mas mapadali ang pagbabayad ng mga individual at Employer sa kanilang mga kontribusyon bawat buwan.

Paliwanang naman ni Ms. Atienza na layunin ng PRN online scheme na maging mabilis ang updating at posting sa payments ng mga miyembro nito.

Kaugnay nito, kinakailangan lamang umano sa mga baguhan na magsadya sa mismong tanggapan ng SSS upang magabayan sa mga dapat gagawin o maari ding bumisita sa website ng SSS.

Samantala ang PRN ay sinimulan na nitong buwan ng Enero pero nagkakaroon pa ng ilang problema kung kayat hinihikayat ng SSS na magsadya sa kanilang tanggapan para mabilis na maresolba ang anumang problema kugnay sa PRN Online Schene.

Facebook Comments