Bagong tourism promotional video, inilabas ng DOT

76

Inilabas na ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Promotions Board (TPB) Philippines ang bago nitong promotional video na nag-aanyaya sa pagbabalik ng publiko sa mga top tourist destination sa bansa.

Inilunsad virtually sa Fort Santiago sa Intramuros, Maynila kahapon ang video na “It’s More Fun With You.”

Ito ay bahagi ng domestic tourism campaign ng DOT na tinawag na “Have A Safe Trip, Pinas.”


Ang video ay nilapatan ng ng 1997 hit song ng Rivermaya na “Hinahanap-hanap Kita” na tumutukoy sa pananabik ng publiko na makabalik sa normal.

Samantala, layon ng bagong promotional video na hikayatin ang mga Pilipino na bumiyahe at mag-explore muli sa bansa matapos ang mahabang panahon na hindi nakalabas ng bahay dahil sa pandemya.

Hakbang rin ito para tulungang makabangon muli ang industriya ng turismo.



Samantala, naglunsad din ang DOT at TPB ng “Have A Safe Trip, Pinas” stickers na maaaring ma-download sa Viber (https://bit.ly/HaveASafeTripPinas).

Facebook Comments