Bagong UK prime minister, tiniyak na tutuparin ang Brexit

Nangako si British Prime Minister-Designate Boris Johnson na iaalis niya ang United Kingdom (UK) mula sa European Union, mayroon o walang Brexit deal sa katapusan ng Oktubre.

Si Johnson ang pumalit kay Theresa May matapos makakuha ang boto ng 92,000 miyembro ng conservative party para makamit ang liderato.

Ayon kay Johnson – ang mantra ng kanyang kampanya ay Brexit deliverance, country unification at talunin si Jeremy Corbin.


Samantala, nagpaabot na ng pagbati si US President Donald Trump.

Facebook Comments