BAGONG GURO NG DEPED CAUAYAN, SASAILALIM SA DRUG TEST!

258

*Cauayan City, Isabela* – Isasailalim na ng DepEd Cauayan City sa drug test ang mga makukuha nilang bagong guro maging ang mga kawani nito.

Ito ay para maiwasang muling makaladkad ang kanilang hanay sa kontrabersiyang may kaugnayan sa illegal drugs dahil labis ang pagkadismaya ang pamunuan ng Dep-Ed Cauayan City sa pagkadakip kay Mark Dominic Antonio sa drug buy-bust operation.


Magugunitang hinuli si Antonio,37 anyos dahil sa pagtutulak ng iligal na droga. Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Capt. Esem Galiza, tagapagsalita ng PNP-Cauayan, nagpapalit palit umano ang nasabing guro ng pagkakakilanlan kaya hindi nila ito agad nahuli bagamat matagal na nila itong minamanmanan.

Sisniguro ni Dr. Alfredo Gumaru, Schools Division Supt. ng DepEd Cauayan City na hindi nila palalampasin ang insidente ng pagkasangkot ni Antonio sa droga. Nakahanda ang kanilang pamunuan na magsampa ng kasong administratibo sa kanilang kawani kung mapapatunayang nagkasala ito sa batas.

 

Facebook Comments

From Advertisers