BAGSIK NI BASYANG | Bilang ng mga namatay, umabot na sa 5

37

Manila, Philippines – Umabot na sa lima ang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Basyang sa Mindanao.

Sa Barangay Gamuton sa bayan ng Carrascal sa Agusan Del Sur, natabunan ng gumuhong lupa mula sa bundok ang bahay ng pamilya Benguilo.

Wala ng buhay ng mahukay ang katawan ni Irene at mga anak nitong sina MJ at AJ na 6 at 3 taong gulang.

Nasawi rin sa landslide sa Barangay Babuyan ang sampung taong gulang na si Jay Conjurado habang kinikilala pa ang isa pang biktima.

Sa Agusan Del Norte naman bumigay ang isang parte ng Puyo Bridge sa bayan ng Jabonga.

Binayo rin ng bagyo ang iba pang parte ng Caraga region.

Habang nalubog rin sa baha ang Butuan City, Taclocan City sa Leyte.

Samantala, umabot naman sa higit 2,700 ang starnded na pasahero sa iba’t ibang pantalan sa bansa.

Habang nasa 500 pamilya ang inilikas at nananatili sa evacuation center.
<#m_-3108456974563288570_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments