Baguio Mayor Benjamin Magalong, handang bigyan ng seguridad ng PNP Chief

338

Nakahandang pagkalooban ng seguridad ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde si Baguio City Mayor Benjamin Magalong kung nangangamba ito na may panganib sa kanyang buhay.

Ayon sa PNP Chief, kontrolado ni Magalong ang buong Baguio City Police, pero kung gusto niya ng sariling Security detail ay maaari naman itong mag request sa Police Security Protection Group o sa kanya mismo.


Ayon sa PNP Chief, alang-alang sa pagmamahal sa bansa at bilang isang professional police officer, ay handa siyang pagbigyan si Magalong kung hihingi ito ng seguridad.

Matatandaang ibinunyag ni Magalong sa pagdinig ng Senado na may nag-timbre sa kanya na may nagpapaplano ng masama sa kanya at sa kanyang pamilya.

Samantala, una nang iniutos ni Albayalde na ibalik ang 15 personal Security ni PDEA Director Aaron Aquino matapos itong I-pull out ng PRO-3 para magamit ang lahat ng pulis sa SEA games.

Ito ay para lang mawala na ang haka-haka na ang PNP ang nasa likod ng mga banta laban sa mga tumetestigo sa mga tinaguriang “ninja cops” sa Senado.

Sina Mayor Magalong at PDEA Chief Aquino ay mga retired police general at kapwa nagtapos sa Philippine Military Academy O PMA.

Una nang naging isyu ang tila pagkakawatak-watak ng mga nagtapos sa PMA dahil sa paghahangad ng mataas na posisyon.

Facebook Comments

From Advertisers