Bagyong Bising, patuloy na lumalakas; Signal No. 1, nakataas sa ilang lalawigan sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga

442

Patuloy na humihigop ng lakas ang Typhoon Bising habang nasa Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 705 kilometers Silangan ng Surigao City, Surigao del Norte o 775 kilometers Silangan ng Maasin City, Southern Leyte.


Taglay nito ang lakas ng hanging nasa 175 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 215 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo pa-kanluran – hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometers per hour.

Nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa mga sumusunod na lugar:

Luzon:
– Gitna at Silangang bahagi ng Sorsogon
– Silangang bahagi ng Albay
– Silangang bahagi ng Camarines Sur
– Catanduanes



Visayas
– Northern Samar
– Samar
– Eastern Samar
– Biliran
– Leyte
– Southern Leyte
– Camotes Islands


Mindanao
– Dinagat Islands
– Surigao del Norte (kasama ang Siargao at Bucas Grande Islands
– Surigao del Sur

Magdadala ang bagyo ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa Eastern Visayas, Sorsogon, Masbate, Albay, Camarines Sur, Catanduanes, at Camotes Islands.

Kikilos ang bagyo kanluran-hilagang kanluran o pahilagang kanluran sa Philippines Sea hanggang bukas ng hapon o gabi.

Babagal ang bagyo habang kumikilos pahilaga hanggang Martes sa bahagi ng Northern at Central Luzon.

Posibleng itaas ang Signal Number 1 sa Masbate at Northern Cebu at iba pang lalawigan sa Albay at Camarines Sur.

Hindi rin inaalis ang posibilidad na may ilang lugar ang isailalim sa Signal Number 2 dahil sa lebel na hanging dala ng bagyo.

Facebook Comments