BAGYONG CALOY | Galaw ng bagyo, bumagal

88

Manila, Philippines – Bumagal pa ang tropical storm Caloy habang nasa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,015 km silangan ng Surigao City, Surigao Del Norte.

Mayroon itong lakas na aabot sa 65 kph at pagbugsong 80 kph.

Kumikilos ang bagyo ng pahilaga hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.

Wala naman itong direktang epekto sa lupa pero inaasahang maghahatid ng malalaking alon na mapanganib sa maliliit na sasakyang pandagat.

Facebook Comments