Bagyong Dante, napanatili ang lakas habang kumikilos pahilagang kanlunran

45

Magpapaulan sa ilang bahagi ng Mindanao ang Tropical Depression Dante.

Huling namataan ang bagyo sa layong 685 kilometers Silangan ng Davao City.


Napanatili nito ang lakas ng hanging nasa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong nasa 70 km/hr.

Kumikilos pahilagang kanluran ang bagyo sa bilis na 15 km/hr.

Asahan ang katamtaman hanggang sa paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Caraga, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bukidnon, at Misamis Oriental.

Mataas ang tiyansang lalakas pa ito bilang tropical strom category.



Ang bagong weather bulletin ay ilalabas ng PAGASA ngayong alas-5:00 ng umaga.


Facebook Comments