Bagyong Falcon, nag-iwan ng 3 patay

43

Nag-iwan ng tatlong patay ang bagyong Falcon sa Cagayan Valley at Negros Occidental.

Ayon kay Cagayan Valley Office of Civil Defense (OCD) Regional Director Atanacio Macalan – ang dalawang nasawi ay mula sa bayan ng Gattaran at Abulog.


Kinilala ang mga ito na sina Judith Berbano mula Abulog at isang nagngangalang ‘Sedong’ mula sa Gattaran.

Si Berbano ay nahulog sa motorboat na kanyang sinasakyan matapos hampasin ng mga malalaking alon, habang si Sedong ay tinangay ng isang ilog sa Gattaran.

Ang Provincial Disaster Management Program Office ng Negros Occidental ay kinilala ang ikatlong nasawi na si Ma. Theresa Orias, na nalunod habang kumukuha ng kawayan sa Barangay 1, Poblacion, bayan ng Isabela.

Facebook Comments

From Advertisers