BAGYONG OMPONG | Sen. Legarda, pinapatiyak ang kaligtasan ng mamamayan

65

Manila, Philippines – Binigyang diin ni Senator Loren Legarda na dapat ay nakaalerto ang lahat para sa paghagupit ng bagyong Ompong.

Pangunahing pinapakilos ni Legarda ang mga Local Government Units o LGUs para tiyakin ang kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.

Giit ni Legarda sa mga LGUS, dalasan ang paglalabas ng updated advisories kaugnay sa lagay ng panahon o galaw ng bagyo.

Ayon kay Legarda, ito ay para matiyak na sapat ang paghahanda sa mga lugar na tatamaan ng kalamidad.

Facebook Comments