Bagyong Siony, bahagyang humina habang nasa Philippine Sea

88

Mananatili sa Tropical Storm category ang Bagyong Siony sa susunod na 36 hanggang 48 oras.

Huling namataan ang bagyo sa layong 990 kilometers Silangan ng Hilagang Luzon.


Bahagyang humina ang hatid nitong lakas ng hanging aabot na lamang sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa direksyong Kanluran Hilagang Kanluran sa bilis na 30 km/hr.

Ayon sa DOST-PAGASA, halos mabagal ang pagkilos ng bagyo at halos hindi ito gagalaw simula mamayang gabi hanggang bukas ng umaga.

Sa ngayon, wala pa itong direktang epekto sa bansa.




Facebook Comments