BAGYONG URDUJA | 2-anyos at 2 pa, patay sa hagupit ng bagyo

Manila, Philippines – Umabot na sa tatlong katao ang patay kabilang ang isang dalawang taong gulang na bata dahil sa pananalasa ng Bagyong Urduja.

Pero paglilinaw ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, bineperipika pa nila sa mga lokal na pamahlaan ang bilang ng reported fatalities.

Sa impormasyong nakuha ng NDRRMC, nalunod ang bata sa baha sa Mahaplag, Leyte.


Nasawi naman sa landslide ang isang pang biktima mula Leyte habang natagpuang patay ang isa sa mga mangingisdang nawawala sa karagatan ng Dinagat Islands.

Facebook Comments