BAHA SA BRGY TAPUAC DAHIL SA PAGTATABON SA ETERNAL GARDENS, PRAYORIDAD NGAYONG MARESOLBA

Problema ng mga residente sa Barangay Tapuac ang baha sa kanilang lugar dahil sa pagtatabon na ginagawa ng Eternal Gardens para sa expansion nito.
Hinaing ng mga residente rito, grabe na umano ang baha simula nang mag umpisa ang pagtatabon sa Eternal Gardens.
Ang naturang expansion ng sementeryo naman ay legal dahil ito ay inaprubahan ng dating administrasyon.

Sa ngayon, prayoridad ng lokal na pamahalaan ngayon na maresolba ang pagbaha sa lugar at hihintayin di umano nila ang proposed plan mula sa pamunuan ng Eternal Gardens para naman sa pagsasagawa nila ng drainage system. |ifmnews
Facebook Comments