Bahagi ng gusali sa Binondo, Maynila, gumuho

56

Manila, Philippines – Gumuho ang bahagi ng isang gusali sa Barangay 288, Veronica Street Binondo, Maynila, pasado alas-8 kagabi.

Ang nasabing gusali ay isang residential building na dating ospital at pag-aari ng isang William Cheng.

Ligtas naman ang 20 pamilya na naninirahan sa nasabing gusali at mga nasa paligid nito.

Patuloy namang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng pagguho ng gusali.

Facebook Comments