Bahagi ng Harbor Link sa Navotas, pansamantalang isasara

70

Pansamantalang isasara ng NLEX Corporation ang eastbound portion ng Harbor Link sa Navotas.

Ito ay para tapusin ang natitira pang bahagi ng ginagawang Navotas entry ramp.


Sa abiso, simula alas 10:00 ng gabi bukas, October 26 hanggang alas 6:00 ng umaga ng Martes, October 27, sarado muna ang kahabaan ng Mel Lopez Blvd. na dating Road 10 sa Navotas City hanggang NLEX Caloocan Interchange C3.

Dahil dito, lahat ng motoristang papunta sa NLEX ay maaaring pumasok sa NLEX Harbor Link Segment 10 on rump sa Caloocan Interchange.

Para maging maayos ang sistema ng daloy ng trapiko, magde-deploy din ng mga traffic marshals sa lugar at maglalagay ng directional traffic signs sa mga strategic areas.

Facebook Comments