BAHAGI NG PAG-IINGAT | Ilang domestic flights, kanselado dahil sa bagyong Urduja

Manila, Philippines – Umakyat na sa labing anim ang bilang ng mga kanseladong domestic flights dahil sa bagyong Urduja.

Ayon sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), bahagi na rin ng pag-iingat ang pagpapaliban sa byahe ng mga eroplano.

Kabilang sa mga kinanselang byahe ang Cebu Pacific, Air Asia, Cebgo, Skyjet at Philippine Airlines.


Payo ng mga otoridad, tumawag muna sa airline companies bago magtungo sa paliparan upang mabatid kung tuloy ang kanilang byahe.

Maaari namang mag-rebook para sa ibang petsa ng byahe o mag-refund para sa ibinayad sa tickets.

Facebook Comments