
Inalerto ng Department of Health (DOH) ang Centers for Health Development kasunod ng pagtaas ng kaso ng Hand, Foot, and Mouth Disease (HFMD) sa bansa.
Batay kasi sa datos ng DOH, umabot sa 1,517 ang tinamaan ng nasabing sakit sa unang tatlong linggo ngayong 2025.
Mas mataas daw ito ng 23% kumpara sa mga naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon sa DOH, ang HFMD ay makukunsidera na Category 1 o immediately notifiable disease.
Kaya naman dapat daw i-monitor ng mga Centers for Health Development ang pagkalat ng sakit upang mapigilan na ito.
Ilan sa gagawing hakbang ang paggawa ng report ng local Epidemiology and Surveillance Units para sa mga suspected na tinamaan nito at ang mga confirmed cases.
Karaniwang tinatamaan ng HFMD ang mga batang limang taong gulang pababa.
Naipapasa ang sakit sa mga indibidwal sa pamamagitan ng direct contact.