BAHAY NG ISANG LOLO, SINUNOG NG SARILI NITONG ANAK SA MANGATAREM, PANGASINAN

Sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Barangay Cabaluyan 2nd, Mangatarem, Pangasinan.

Sa ulat ng Mangatarem Municipal Police Station, nasaksihan ng 70-anyos na lalaking residente ng lugar na sinisilaban ng kanyang 45-anyos na anak ang kanilang bahay. Agad namang tumakas ang lalaki matapos itong mabisto.

Tumagal ng abot dalawang oras bago naapula ng Bureau of Fire Protection ang apoy.

Wala namang naitalang nasugatan sa insidente, habang nahuli naman agad ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng pulisya.

Tinatayang nasa 100,000 pesos kabuuang halaga ng pinsala.

Sa pakikipag-ugnayan ng IFM News Dagupan sa Mangatarem Police Station, naipasok na umano ang lalaki sa Rehabilitation Center matapos ilahad ng may-ari na dumaranas sa mental health condition ang kanyang anak.

Samantala, patuloy parin ang imbestigasyon ukol sa pinagmulan ng apoy. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments