Nawalan ng tirahan ang isang Lolo sa Brgy. Nibaliw, Mangaldan, Pangasinan matapos masunog ang kanyang bahay.
Ayon sa paunang imbestigasyon ng awtoridad, nagluluto umano ang 75 anyos na may-ari ng bahay gamit ang panggatong sa kanyang kusina ngunit iniwan niya ito nang pumunta sa tindahan upang bumili ng alak.
Ilang sandali, napansin ng kanyang mga kapitbahay na nasusunog na ang kanyang kusina kaya agad na tumawag ang mga ito sa bumbero..
Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente at patuloy pang inaalam ang kabuuang halaga ng pinsala. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments