Bahay ng Municipal Admin sa Pagalungan Maguindanao pinasabugan ng granada

29

Sugatan ang isang 28 anyos na lalaki matapos masabugan ng Granada sa Pagalungan Maguindanao kagabi.
Kasalukuyang nasa pagamutan ang biktima na kinilalang si Samir Tambilawan na nagtamo ng minor wounds.
Sa inisyal na report , nakatayo lamang sa labas ng compound ng tahanan ni Pagalungan Administrator Jay Mamasabulod si Tambilawan ng mamngyari ang insidente.
Sinasabing riding in tandem ang responsible sa panghahagis ng Granada base na rin sa naging pahayag ng biktima. Si Tambilawan ay kaanak lamang din ni Administrator.
Kamakailan lamang walang awang pinagbabaril patay din ang SB Secretary ng bayan ng Pagalungan.

Facebook Comments