Bahay ng pamilya ni Xian Lim, nilooban ng mga magnanakaw

176

Nilooban ng apat na tao ang bahay ng pamilya ni Xian Lim sa Antipolo City, Rizal nitong Biyernes ng gabi.

Sa kaniyang Instagram post, makikita sa mga litratong ibinahagi ng aktor ang sinirang doorlock, nalimas na cabinet at ang mga ginamit ng mga suspek para makapasok sa bahay.


Say ni Xian, puwersahang pinasok ng mga magnanakaw ang kanilang bintana kaya nagdulot ito ng mga pinsala.

Natangay ng mga suspek ang kanilang mga TV at mga computer.

Sa kabila nito, nagpapasalamat naman ang aktor dahil materyal na bagay lang ang nakuha sa kanila at wala aniyang nasaktan sa kaniyang pamilya.

Sa ngayon, ini-report na ito ni Xian sa otoridad at tiniyak ang seguridad ng kaniyang pamilya matapos ang nangyaring krimen.



Facebook Comments