Bahay sa Bulacan kung saan brutal na pinaslang ang negosyanteng si Anson Que, posibleng scam farm ng illegal POGO

Masusing iniimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang isang bahay sa Meycauayan, Bulacan na posibleng konektado sa illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) operations kung saan pinaniniwalaang doon pinaslang ang negosyanteng si Anson Que at kaniyang driver.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo, may matibay na indikasyong ginagamit ang bahay bilang “scam farm para sa POGO” base na rin sa mga nakumpiskang computer at iba pang Information and Communication Technology (ICT) equipment.

Sa ngayon, isinasailalim sa forensic examination ang mga gadget, habang nag-apply na rin ng cyber warrant ang PNP para matukoy kung ginamit nga ito sa mga iligal na online activities.

Sinabi pa ni Fajardo na si David Tan Liao na unang sumuko ay umamin sa paggawa ng krimen kabilang na ang “kidnap-for-hire” kung saan ginagamit umano ang kanilang serbisyo para dukutin ang mga indibidwal na may mga unresolved business dealing at pagkakautang matapos ipatupad ang total POGO ban sa bansa.

Isa rin sa mga nakatawag-pansin sa mga imbestigador ay ang nakasabit na bandila ng China sa loob ng bahay na ngayo’y parte rin ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments