Bahay sa US ng singer na si Jaya, nasunog

162

Nasunog ang bahay ng singer na si Jaya sa Amerika.

Sa Instagram post ng singer kahapon, ipinakita niya ang mga larawan ng kanilang nasunog na bahay.

Gayon pa man, nagpasalamat sa Diyos ang mang-aawit dahil walang nasaktan at ligtas ang kaniyang buong pamilya.


Nagpaabot naman ng dasal at mensahe ang ilang kapuwa niya celebrities tulad nina Pokwang, Pops Fernandez, Heart Evangelista, at Candy Pangilinan, sa comment section.

Matatandaan noong 2021 nang magpasya si Jaya na manirahan na sa US kasama ang kaniyang pamilya.

Facebook Comments